“WE ARE CALLED TO SERVE”
ni: sacredguy
Sakristan tayo sa puso, sa isip, at pati na sa kaluluwa
Handang mag-alay ng buhay para sa Diyos at sa kapwa
Laging handang tumulong sa pagdiriwang ng misa
Handang magsakripisyo para sa Panginoong may likha
Marami man ang dumating na pagsubok sa atin
Kayang harapin basta’t sama-samang manalangin
Problema mo ay maaaring maging problema namin
Kailangan lang na ang bawat isa ay dapat mahalin
Kung minsan naman ay nagkakaroon din ng sagupaan
Dahil sa hindi pagkakaintindihan at pagkakaunawaan
Subalit naaayos natin iyon dahil sa pagtutulungan
At humahantong sa maayos na pakikipagkaibigan
Sa totoo lang ay mahirap maging lingkod ni kristo
Maraming pwedeng maging hadlang sa pagseserbisyo
Kailangan lang na ang paglilingkod ay taos sa puso
At hindi dapat na magsawa sa pagsisilbi kay kristo
Sa tulong narin ng mga santong tagapangalaga natin
Kasama na ang mga paring gumagabay sa atin
Magampanan nawa natin ang ating mga tungkulin
“We are called to Serve” ang siyang maging motto natin.
(4/1/11, 11:50pm, jcgd)
No comments:
Post a Comment