Paano mo malalamang tinatawag ka ni Hesus?
HALIKA AT LUMAPIT
Sumama ka sa amin. Sabay-sabay nating unawain kung saan ka tinatawag ni Hesus. Tinatawag ka ba sa isang buhay ng pagtataya, pagmamahal at paglilingkod? Tinatawag ka ba para maging pari?
Piliin ang mga pangungusap na naglalarawan sa iyo?
1. Mahalaga sa akin ang aking personal na ugnayan kay Hesus.
2. Masaya ako sa piling ng mga tao.
3. Nangangarap akong makagawa ng mabuti sa aking kapwa.
4. Mahilig akong magtanong at unawain ang buhay.
5. Kapag kinakailangan ay handa akong mamuno.
6. Naakit ako sa pagdarasal.
7. Madali sa akin ang makinig sa problema ng ibang tao.
8. Masaya ako kapag nakakapaglingkod ako sa kapuspalad.
9. May debosyon ako sa Mahal na Birhen at mga santo.
10. Sa katahimikan, mas higit kong nakikilala ang sarili.
*Kung ikaw ay may lima o higit pang pinili, maaaring tinatawag ka ni Hesus sa buhay ng pagpapari.
No comments:
Post a Comment