“PANGAKO”
ni: sacredguy
Lagi niyong ibinibigay ang inyong mga kamay
Hirap at pagod niyo’y sa amin ibinibigay
Dugo at pawis ay handang ialay
Mabigyan lamang kami ng magandang buhay
Trabaho dito, trabaho doon
Turo dito, turo doon
Oras niyo’y sa trabaho lagi nakatuon
Sa bonding sana ay magkaroon ng pagkakataon
Aking ama, mahirap kapag wala ka
Ngiti mong kay ganda ay laging inaalala
Laging tumatawag upang pagmamahal ay maipadama
Nakaantabay hanggang sa paggising sa umaga
Aking ina sa iyo kami lagi umaasa
Hindi lamang ilaw ng tahanan kundi haligi pa
Laging takbuhan kapag may problema
Naggagabay sa amin sa tuwi-tuwina
Maraming salamat ang aming ganti
Sa inyong walang kapagurang pagsisilbi
Kaya’t pag-aaral namin ay ‘di maisasantabi
Pagka’t ito lamang ang kayamanang ‘di nabibili
Asahan niyong kami naman ang magsisilbi
Sa mga panahong kakailanganin niyo kami
Gagawin namin ito ng nakangiti
Hanggang sa kami ay lumaki